Nakatanggap ng Php100,000 cash incentive si Ma. Salvacion Nonata B. Austero, isang centenarian mula sa Brgy. Taladong, Camalig, Albay.
 
Personal na iniabot ni Mayor Carlos “Caloy” Irwin G. Baldo Jr. ang nasabing benepisyo kasama sina Project Development Officer II Ms. Ruffa Banastao ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Municipal Social Welfare and Development (MSWDO) Head, Ms. Edlyn Noble, RSW, at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) Head Ms. Narcisa Castaños.
 
Ayon kay Mayor Caloy, hindi biro ang maka-abot sa edad na 100 kaya naman ay nararapat lamang na bigyan sila ng sapat na pagkilala bilang pagtanaw sa kanilang mahahalagang kontribusyon sa lipunan.
Iginawad ang cash incentive alinsunod sa Republic Act 10868, o ang Centenarians Act of 2016, na may mandatong magbigay ng dagdag na benepisyo at pribilehiyo sa mga senior citizens na umabot sa edad na 100.
 
Nitong Marso 12, 2024 lamang ng ipagdiwang ni Nanay Salvacion ang kanyang ika-100 na kaarawan kasama ang kanyang pamilya at ilang ka-anak.
 
 
Article by: Mr. Tim L. Florece, PIO